Add parallel Print Page Options

20 Sasabihin ng mga anak ninyong ipinanganak sa panahon ng inyong pagdadalamhati,[a] ‘Ang lugar na itoʼy napakaliit para sa amin. Kailangan namin ng mas malaking lugar.’ 21 At sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Sino ang nanganak ng mga ito para sa akin? Namatay ang karamihan ng aking mga mamamayan,[b] at dahil doon akoʼy nagluksa. Ang iba sa kanila ay binihag at dinala sa ibang bansa, at nag-iisa na lamang ako. Kaya saan galing ang mga ito? Sino ang nag-alaga sa kanila?’ ”

22 Ito ang sinabi ng Panginoong Dios: “Sesenyasan ko ang mga bansa at ibabalik nila sa iyo ang iyong mga mamamayan na parang mga sanggol na kanilang kinalinga.[c]

Read full chapter

Footnotes

  1. 49:20 sa panahon ng inyong pagdadalamhati: Ang ibig sabihin ay panahon ng pagkawasak ng Jerusalem at pagkabihag ng mga mamamayan nito.
  2. 49:21 mga mamamayan: sa literal, mga anak. Ganito rin sa talatang 22.
  3. 49:22 Silaʼy parang sanggol na kinakalinga dahil tutulungan sila ng mga taga-Persia sa kanilang pag-uwi.