Add parallel Print Page Options

Bakit hindi ninyo ako pinansin noong dumating ako? Bakit hindi kayo sumagot noong tinawag ko kayo? Hindi ko ba kayo kayang iligtas? Kaya ko ngang patuyuin ang dagat sa isang salita lang. At kaya kong gawing disyerto ang ilog para mamatay ang mga isda roon. At kaya ko ring padilimin na kasing-itim ng damit na panluksa[a] ang langit.”

Ang Masunuring Lingkod ng Dios

Tinuruan ako ng Panginoong Dios kung ano ang sasabihin ko para mapalakas ang mga nanlulupaypay. Ginigising niya ako tuwing umaga para pakinggan ang mga itinuturo niya sa akin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 50:3 damit na panluksa: sa Hebreo, sakong damit.