Add parallel Print Page Options

Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y (A)hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.

(B)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (C)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.

Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't (D)inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, (E)at talastas ko na hindi ako mapapahiya.

Read full chapter