Add parallel Print Page Options

Ang Nagdurusang Lingkod ng Panginoon

13 Narito, ang lingkod ko ay magtatagumpay,
    siya'y dadakilain at itataas,
    at magiging napakataas.
14 Kung paanong marami ang namangha sa kanya[a]
    ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao,
    at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao—
15 gayon(A) siya magwiwisik sa maraming bansa;
    ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya;
sapagkat ang hindi nasabi sa kanila ay kanilang makikita,
    at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawaan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 52:14 Sa Hebreo ay iyo .