Font Size
Isaias 53:11-12
Ang Biblia, 2001
Isaias 53:11-12
Ang Biblia, 2001
11 Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa,
at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.
Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami,
at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.
12 Kaya't(A) hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila,
at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas;
sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan,
at ibinilang na kasama ng mga lumalabag;
gayunma'y pinasan niya ang kasalanan ng marami,
at namagitan para sa mga lumalabag.