Add parallel Print Page Options

Siya'y(A) (B) inapi, at siya'y sinaktan,
    gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
    at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
    kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya;
    at tungkol sa kanyang salinlahi,
na itinuring na siya'y itiniwalag sa lupain ng mga buháy,
    at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.
At(C) ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama,
    at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan;
bagaman hindi siya gumawa ng karahasan,
    o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.

Read full chapter