Font Size
Isaias 57:4-6
Ang Biblia, 2001
Isaias 57:4-6
Ang Biblia, 2001
4 Sino ang inyong tinutuya?
Laban kanino kayo nagbubukas ng bibig,
at naglalawit ng dila?
Hindi ba kayo'y mga anak ng pagsuway,
supling ng pandaraya,
5 kayong mga nag-aalab na may pagnanasa sa gitna ng mga ensina,
sa ilalim ng bawat luntiang punungkahoy;
na pumapatay ng inyong mga anak sa mga libis,
sa mga bitak ng mga bato sa mga bangin?
6 Sa gitna ng mga makinis na bato sa libis ang iyong bahagi;
sila, sila ang iyong bahagi;
sa kanila ka nagbuhos ng inuming handog,
ikaw ay nag-alay ng handog na butil.
Mapapayapa ba ako sa mga bagay na ito?