Add parallel Print Page Options

14 Inyong makikita, at magagalak ang inyong puso;
    ang inyong mga buto ay giginhawang gaya ng sariwang damo;
at malalaman na ang kamay ng Panginoon ay nasa kanyang mga lingkod,
    at ang kanyang galit ay laban sa kanyang mga kaaway.

15 “Sapagkat, ang Panginoon ay darating na may apoy,
    at ang kanyang mga karwahe ay gaya ng ipu-ipo;
upang igawad ang kanyang galit na may poot,
    at ang kanyang saway na may ningas ng apoy.
16 Sapagkat sa pamamagitan ng apoy ay ilalapat ng Panginoon ang hatol,
    at sa pamamagitan ng kanyang tabak sa lahat ng mga tao,
    at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.

Read full chapter