Add parallel Print Page Options

13 Sinabi ni Isaias, “Makinig kayong mga angkan ni David. Hindi pa ba kayo nasisiyahan sa pang-iinis nʼyo sa mga tao? At ngayon, ang Dios ko naman ang iniinis ninyo? 14 Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen,[a] at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Emmanuel.[b] 15-16 Bago siya magkaisip at makakain ng keso[c] at pulot, ang lupain ng dalawang hari na kinatatakutan mo, Ahaz, ay mawawasak at pababayaan na lang.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:14 birhen: o, dalaga.
  2. 7:14 Emmanuel: Ang ibig sabihin, kasama natin ang Dios.
  3. 7:15-16 keso: o, yogurt.