Add parallel Print Page Options

20 Anumang pagkain ang makita nila ay kukunin nila at kakainin, pero hindi pa rin sila mabubusog. Kaya kakainin na nila pati ang kanilang mga anak.[a] 21 Mag-aaway ang Manase at ang Efraim, at lulusubin nilang dalawa ang Juda. Pero ang galit ng Panginoon ay hindi pa rin mapapawi at nakahanda pa siyang magparusa sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:20 mga anak: o, mga bisig. Sa ibang mga teksto ng Septuagint, kapatid o, kamag-anak. Sa Targum, kapwa.