Add parallel Print Page Options

12 Sila'y darating at aawit nang malakas sa kaitaasan ng Zion,
    at sila'y magniningning dahil sa kabutihan ng Panginoon,
dahil sa butil, at sa alak, langis,
    at dahil sa guya ng kawan at ng bakahan;
at ang kanilang buhay ay magiging gaya ng dinilig na halamanan;
    at sila'y hindi na manlulupaypay pa.
13 Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan,
    at ang mga binata at matatanda ay magsasaya.
Gagawin kong kagalakan ang kanilang pagluluksa,
    aaliwin ko sila at bibigyan ko ng kagalakan sa kanilang kalungkutan.

Read full chapter