Add parallel Print Page Options

24 Nang magkagayo'y sinabi ni Sedechias kay Jeremias, Huwag maalaman ng tao ang mga salitang ito, at hindi ka mamamatay.

25 Nguni't kung mabalitaan ng mga prinsipe na ako'y nakipagsalitaan sa iyo, at sila'y magsiparito sa iyo, at mangagsabi sa iyo, Ipahayag mo sa amin ngayon kung ano ang iyong sinabi sa hari; huwag mong ikubli sa amin, at hindi ka namin ipapapatay; gayon din kung anong sinabi ng hari sa iyo:

26 Iyo ngang sasabihin sa kanila, (A)Aking iniharap ang aking pamanhik sa harap ng hari, (B)na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jonathan, na mamatay roon.

Read full chapter