Font Size
Jeremias 10:3-5
Magandang Balita Biblia
Jeremias 10:3-5
Magandang Balita Biblia
3 Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan.
Isang punongkahoy na pinutol sa gubat,
inanyuan ng mga dalubhasang kamay,
4 at pinalamutian ng ginto at pilak.
Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.
5 Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid,
hindi nakakapagsalita;
pinapasan pa sila
sapagkat hindi nakakalakad.
Huwag kayong matakot sa kanila
sapagkat hindi sila makakagawa ng masama,
at wala ring magagawang mabuti.”
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.