Add parallel Print Page Options

Sila'y gaya ng puno ng palma, na binilog, (A)at hindi nagsasalita: (B)kinakailangang pasanin, sapagka't hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka't (C)hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.

Walang gaya mo, Oh Panginoon; ikaw ay dakila, at ang iyong pangalan ay dakila sa kapangyarihan.

Sinong hindi matatakot sa iyo, (D)Oh Hari ng mga bansa? sapagka't sa iyo nauukol; palibhasa'y sa gitna ng lahat ng pantas sa mga bansa, at (E)sa lahat nilang kaharian, ay walang gaya mo.

Read full chapter