Add parallel Print Page Options

Nang sa ganoon, tutuparin ko ang aking ipinangako sa inyong mga ninuno na bibigyan ko sila ng maganda at masaganang lupain[a] – ang lupaing tinitirhan ninyo ngayon.’ ”

At sinabi ko, “Siya nawa, Panginoon.”

Pagkatapos, muling sinabi sa akin ng Panginoon, “Pumunta ka sa mga bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem at sabihin mo ito: ‘Alalahanin ninyo ang kasunduan ninyo at sundin ninyo ang isinasaad sa kasunduang ito. Mula nang inilabas ko ang mga ninuno ninyo sa Egipto hanggang ngayon, paulit-ulit ko silang pinagsasabihan na dapat nila akong sundin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:5 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.