Add parallel Print Page Options

14 Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama (A)kong kapuwa, (B)na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin (C)silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.

15 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; (D)at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.

16 At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, (E)ang pagsumpa sa pangalan ko, Buháy ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila (F)sa gitna ng aking bayan.

Read full chapter