Add parallel Print Page Options

15 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; (A)at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.

16 At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, (B)ang pagsumpa sa pangalan ko, Buháy ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila (C)sa gitna ng aking bayan.

17 Nguni't kung hindi nila (D)didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon.

Read full chapter