Add parallel Print Page Options

Ibinabala ang pagkabihag.

15 Inyong dinggin, at kayo'y mangakinig; Huwag kayong mangagpalalo; sapagka't sinalita ng Panginoon.

16 Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios, bago (A)siya magpadilim, at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at, habang kayo'y nangaghihintay ng liwanag, ay kaniyang gagawing (B)lilim ng kamatayan, at papagsasalimuutin niya ang (C)kadiliman.

17 Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.

Read full chapter