Font Size
Jeremias 14:7-9
Ang Biblia (1978)
Jeremias 14:7-9
Ang Biblia (1978)
7 Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka (A)alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.
8 Oh ikaw na pagasa ng Israel, na (B)Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?
9 Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan (C)na hindi makapagligtas? gayon man (D)ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; (E)huwag mo kaming iwan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978