Font Size
Jeremias 14:8-10
Ang Biblia (1978)
Jeremias 14:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Oh ikaw na pagasa ng Israel, na (A)Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?
9 Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan (B)na hindi makapagligtas? gayon man (C)ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; (D)huwag mo kaming iwan.
Sinasabi ng Panginoon na ang pamamagitan ay walang kabuluhan.
10 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978