Jeremias 30:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Kaya't huwag kang masindak, Oh (A)Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
11 Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't (B)gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan (C)sa iyo; kundi sasawayin kita (D)ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.
12 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay (E)walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978