Add parallel Print Page Options

18 Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, (A)aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang (B)kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.

19 At mula sa kanila (C)magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: (D)at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.

20 Ang kanilang mga anak naman ay magiging (E)gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.

Read full chapter