Font Size
Jeremias 32:20-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 32:20-22
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
20 Gumawa kayo ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay doon sa Egipto, at patuloy nʼyo po itong ginagawa hanggang dito sa Israel at sa ibang mga bansa. At sa pamamagitan nito, naging tanyag po kayo sa lahat ng dako. 21 Sa pamamagitan ng mga himala at mga kahanga-hangang bagay, at sa kapangyarihan nʼyo, natakot po ang mga taga-Egipto at pinalaya nʼyo ang mamamayan nʼyong mga Israelita sa Egipto. 22 Ibinigay po ninyo sa kanila ang maganda at masaganang lupain[a] na siyang ipinangako nʼyong ibibigay sa kanilang mga ninuno.
Read full chapterFootnotes
- 32:22 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®