Add parallel Print Page Options

21 At iyong inilabas ang iyong bayang Israel sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan, at ng malakas na kamay, at ng unat na kamay, at (A)ng malaking kakilabutan,

22 At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito (B)na iyong isinumpa sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila, (C)lupain na binubukalan ng gatas at pulot,

23 At sila'y pumasok, at kanilang inari; nguni't (D)hindi dininig ang itong tinig, o lumakad man sa iyong kautusan; sila'y hindi nagsigawa ng anoman sa lahat na iyong iniutos sa kanila na gawin: kaya't iyong pinapangyari ang buong kasamaang ito sa kanila.

Read full chapter