Font Size
Jeremias 32:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Jeremias 32:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
22 Ibinigay po ninyo sa kanila ang maganda at masaganang lupain[a] na siyang ipinangako nʼyong ibibigay sa kanilang mga ninuno. 23 Naging kanila po ito pero hindi sila sumunod sa inyo o sa mga kautusan nʼyo, at hindi nila ginawa ang ipinapagawa nʼyo sa kanila. Kaya pinadalhan nʼyo sila ng kapahamakan. 24 At ngayon, tinatambakan ng lupa ng mga taga-Babilonia ang gilid ng pader ng Jerusalem para mapasok at maagaw nila ang lungsod At dahil sa digmaan, gutom, at sakit, marami pong namatay at naagaw ng mga taga-Babilonia ang lungsod ayon din po sa sinabi ninyo.
Read full chapterFootnotes
- 32:22 maganda at masaganang lupain: sa literal, lupain na dumadaloy ang gatas at pulot.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®