Add parallel Print Page Options

10 Ito pa ang sabi ni Yahweh: “Sinasabi ninyo na ang lugar na ito'y parang disyerto; walang nakatirang tao o hayop. Wala ngang naninirahan sa mga lunsod ng Juda at walang tao sa mga lansangan ng Jerusalem. 11 Ngunit(A) darating ang panahon na muling maririnig sa lugar na ito ang katuwaan at kasayahan, ang tinig ng mga ikinakasal habang sila'y nasa bahay ni Yahweh upang maghandog ng pagpupuri at pasasalamat; maririnig ang sigawang,

‘Purihin si Yahweh, na Makapangyarihan sa lahat,
    dahil sa kanyang kabutihan,
    pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!’

At ibabalik ko ang kayamanan ng bayan. Ako, si Yahweh, ang maysabi nito.”

12 Ito ang sabi ni Yahweh: “Sa buong lupaing ito na walang pakinabang at walang nakatirang tao o hayop, muling magbabalik ang mga pastol at payapang magsisikain ang kanilang mga kawan.

Read full chapter