Jeremias 33:11-13
Magandang Balita Biblia
11 Ngunit(A) darating ang panahon na muling maririnig sa lugar na ito ang katuwaan at kasayahan, ang tinig ng mga ikinakasal habang sila'y nasa bahay ni Yahweh upang maghandog ng pagpupuri at pasasalamat; maririnig ang sigawang,
‘Purihin si Yahweh, na Makapangyarihan sa lahat,
dahil sa kanyang kabutihan,
pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!’
At ibabalik ko ang kayamanan ng bayan. Ako, si Yahweh, ang maysabi nito.”
12 Ito ang sabi ni Yahweh: “Sa buong lupaing ito na walang pakinabang at walang nakatirang tao o hayop, muling magbabalik ang mga pastol at payapang magsisikain ang kanilang mga kawan. 13 Sa mga lunsod sa kaburulan, sa kapatagan, sa timog, sa lupain ng Benjamin, sa palibot ng Jerusalem at ng Juda, muling magkakaroon ng maraming kawan na inaalagaan ng kanilang mga pastol.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.