Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y kinuha ko si Jazanias na anak ni Jeremias, na anak ni Habassinias, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat niyang anak, at ang buong sangbahayan ng mga Rechabita;

At dinala ko sila sa bahay ng Panginoon, sa silid ng mga anak ni Hanan na anak ni Igdalias, na (A)lalake ng Dios, na nasa siping ng silid ng mga prinsipe, na nasa itaas ng silid ni (B)Maasias na anak ni Sallum, na (C)tagatanod ng pintuan.

At aking inilagay sa harap ng mga anak ng sangbahayan ng mga Rechabita ang mga mankok na puno ng alak, at ang mga saro, at aking sinabi sa kanila, Magsisiinom kayo ng alak.

Read full chapter