Jeremias 35:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si (A)Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man:
7 Ni huwag kayong mangagtatayo ng bahay, o mangaghahasik ng binhi, o mangagtatanim sa ubasan, o mangagtatangkilik ng anoman; kundi ang lahat ninyong mga kaarawan ay inyong itatahan sa mga tolda; (B)upang kayo ay mangabuhay na malaon sa lupain na inyong pangingibahang bayan.
8 At aming tinalima ang tinig ni Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang sa lahat na kaniyang ibinilin sa amin na huwag magsiinom ng alak sa lahat ng mga araw namin, kami, ang aming mga asawa, ang aming mga anak na lalake o babae man;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978