Jeremias 38:25-27
Ang Biblia (1978)
25 Nguni't kung mabalitaan ng mga prinsipe na ako'y nakipagsalitaan sa iyo, at sila'y magsiparito sa iyo, at mangagsabi sa iyo, Ipahayag mo sa amin ngayon kung ano ang iyong sinabi sa hari; huwag mong ikubli sa amin, at hindi ka namin ipapapatay; gayon din kung anong sinabi ng hari sa iyo:
26 Iyo ngang sasabihin sa kanila, (A)Aking iniharap ang aking pamanhik sa harap ng hari, (B)na huwag niya akong pabalikin sa bahay ni Jonathan, na mamatay roon.
27 Nang magkagayo'y dumating ang lahat na prinsipe kay Jeremias, at tinanong siya: at kaniyang isinaysay sa kanila ang ayon sa lahat ng salitang ito na iniutos ng hari. Sa gayo'y pinabayaan nilang magsalita siya; sapagka't ang bagay ay hindi nahalata.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978