Font Size
Jeremias 4:19-21
Ang Biblia (1978)
Jeremias 4:19-21
Ang Biblia (1978)
Panaghoy sa pagkagiba ng Juda.
19 Ang hirap ko, ang hirap (A)ko! Ako'y nagdaramdam sa aking (B)puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.
20 Kagibaan (C)at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang (D)nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.
21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978