Add parallel Print Page Options

20 Kagibaan (A)at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang (B)nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.

21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?

22 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; (C)sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.

Read full chapter