Add parallel Print Page Options

Ang Parusang Darating sa Juda

“Sabihin mo sa Juda at Jerusalem na patunugin nila ang trumpeta sa buong lupain. Isigaw nang malinaw at malakas na tumakas sila at magtago sa mga napapaderang lungsod. Balaan mo ang mga taga-Jerusalem[a] na tumakas agad sila dahil magpapadala ako ng kapahamakan mula sa hilaga.”

Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansa ay parang leon na lumabas sa pinagtataguan nito. Nakaalis na siya sa lugar niya para wasakin ang lupain ninyo. Magigiba ang mga bayan ninyo hanggang sa hindi na ito matirhan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:6 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.