Add parallel Print Page Options

Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansa ay parang leon na lumabas sa pinagtataguan nito. Nakaalis na siya sa lugar niya para wasakin ang lupain ninyo. Magigiba ang mga bayan ninyo hanggang sa hindi na ito matirhan. Kaya isuot nʼyo na ang damit na panluksa[a] at umiyak dahil matindi pa rin ang galit ng Panginoon sa atin. Sinabi ng Panginoon, “Sa araw na iyon, maduduwag ang hari at ang mga pinuno niya, masisindak ang mga pari, at mangingilabot ang mga propeta.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:8 damit na panluksa: sa literal, sakong damit.