Font Size
Jeremias 45:1-3
Ang Biblia, 2001
Jeremias 45:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Pangako ng Panginoon kay Baruc
45 Ang(A) salita na sinabi ni propeta Jeremias kay Baruc na anak ni Nerias, nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat mula sa bibig ni Jeremias, nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda, na sinasabi,
2 “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, sa iyo, O Baruc:
3 Iyong sinabi, ‘Kahabag-habag ako! Sapagkat ang Panginoon ay nagdagdag ng kalungkutan sa aking sakit; ako'y pagod na sa pagdaing, at wala akong kapahingahan.’
Read full chapter