Add parallel Print Page Options

12 Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan,
    at ang daigdig ay punô ng iyong sigaw,
sapagkat ang mandirigma ay natisod sa kapwa mandirigma,
    sila'y magkasamang nabuwal.”

13 Ang(A) salitang sinabi ng Panginoon kay Jeremias na propeta tungkol sa pagdating ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia upang salakayin ang lupain ng Ehipto:

Ang Pagdating ni Nebukadnezar

14 “Ipahayag ninyo sa Ehipto, ihayag sa Migdol,
    at ihayag sa Memfis at sa Tafnes;
Sabihin ninyo, ‘Tumayo ka at humanda ka,
    sapagkat ang tabak ay lalamon sa palibot mo.’

Read full chapter