Font Size
Jeremias 46:13-15
Ang Biblia, 2001
Jeremias 46:13-15
Ang Biblia, 2001
13 Ang(A) salitang sinabi ng Panginoon kay Jeremias na propeta tungkol sa pagdating ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia upang salakayin ang lupain ng Ehipto:
Ang Pagdating ni Nebukadnezar
14 “Ipahayag ninyo sa Ehipto, ihayag sa Migdol,
at ihayag sa Memfis at sa Tafnes;
Sabihin ninyo, ‘Tumayo ka at humanda ka,
sapagkat ang tabak ay lalamon sa palibot mo.’
15 Bakit napayuko ang iyong malalakas?
Hindi sila tumatayo
sapagkat sila'y ibinagsak ng Panginoon.