Add parallel Print Page Options

22 Narito, (A)siya'y sasampa at parang aguila na lilipad, at magbubuka ng kaniyang mga pakpak laban sa (B)Bosra: at ang puso ng mga makapangyarihang lalake ng Edom sa araw na yaon ay magiging parang puso ng babae sa kaniyang pagdaramdam.

Ang salita ng Panginoon tungkol sa Damasco.

23 Tungkol sa Damasco. Ang Hamath ay (C)napahiya, at ang Arphad; sapagka't sila'y nangakarinig ng mga masamang balita, sila'y nanganglulupaypay: may kapanglawan sa dagat; hindi maaaring tumahimik.

24 Ang Damasco ay humihina, siya'y tumatalikod upang tumakas, at panginginig ay humahawak sa kaniya: kalungkutan at mga kapanglawan ay sumapit sa kaniya na gaya sa babae sa pagdaramdam.

Read full chapter