Add parallel Print Page Options

Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't (A)kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang (B)magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.

Kaya't papatayin sila ng (C)leon na mula sa gubat, (D)sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng (E)leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.

Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan (F)niyaong mga hindi dios. (G)Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.

Read full chapter