Add parallel Print Page Options

10 Ipinaghiganti tayo ng Panginoon. Halikayo, pumunta tayo sa Jerusalem[a] at sabihin natin doon ang ginawa ng Panginoon na ating Dios.”

11 Maghihiganti ang Panginoon sa Babilonia dahil sa paggiba nito sa templo niya. Hinikayat ng Panginoon ang mga hari ng Media para wasakin ang Babilonia dahil ito ang layunin niya. Sinabi niya, “Hasain nʼyo ang mga pana ninyo at ihanda ang mga pananggalang ninyo. 12 Itaas nʼyo ang watawat na sagisag ng pagsalakay sa Babilonia. Dagdagan nʼyo ang mga bantay; ipwesto ang mga bantay. Palibutan nʼyo ang lungsod! Panahon na para gawin ng Panginoon ang plano niya laban sa mga taga-Babilonia.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 51:10 Jerusalem: sa Hebreo, Zion. Ganito rin sa talatang 24 din.