Jeremias 52:29-31
Ang Biblia (1978)
29 (A)Nang ikalabingwalong taon ni Nabucodonosor ay nagdala siya ng bihag na mula sa Jerusalem na walong daan at tatlong pu't dalawang tao:
30 Nang ikadalawang pu't tatlong taon ni Nabucodonosor ay nagdala ng bihag sa mga Judio si Nabuzaradan na kapitan ng bantay na pitong daan at apat na pu't limang tao: lahat na tao ay apat na libo at anim na raan.
Si Joacim ay pinagmagandahang-loob ni Evil-merodach.
31 At nangyari, nang ikatatlong pu't pitong (B)taon ng pagkabihag kay Joacim na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawang pu't limang araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang unang taon ng kaniyang paghahari, nagtaas ng ulo ni (C)Joacim na hari sa Juda, at inilabas niya siya sa bilangguan;
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978