Add parallel Print Page Options

28-30 Ito ang bilang ng mga taong binihag ni Haring Nebucadnezar:

Noong ikapitong taon ng paghahari niya, 3,023.

Noong ika-18 taon ng paghahari niya, 832.

Noong ika-23 taon ng paghahari niya, 745. Si Nebuzaradan ang bumihag sa kanila. May kabuuang bilang na 4,600 ang binihag.

Pinakawalan si Jehoyakin

31 Noong ika-37 taon ng pagkabihag ni Haring Jehoyakin ng Juda, naging hari ng Babilonia si Evil Merodac. Pinalaya niya si Jehoyakin nang ika-25 araw ng ika-12 buwan nang taon na iyon. 32 Mabait siya kay Haring Jehoyakin at pinarangalan niya ito ng higit kaysa sa ibang mga hari na bihag din doon sa Babilonia.

Read full chapter