Jeremias 6:21-23
Ang Biblia (1978)
21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Narito, ako'y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay.
22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (B)ang isang bayan ay nagmumula (C)sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa (D)ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.
23 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978