Add parallel Print Page Options

17 Sinabi pa ng Panginoong Makapangyarihan, “Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari! Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak, lalo na ang mga sanay sa pag-iyak. 18 Pagmadaliin silang pumunta para iyakan ang mga mamamayan ko hanggang sa dumaloy ang kanilang luha.[a] 19 Pakinggan ang mga pag-iyak sa Jerusalem.[b] Sinasabi ng mga tao, ‘Nawasak tayo! Nakakahiya ang nangyaring ito sa atin! Kailangang iwan na natin ang ating lupain dahil nawasak na ang ating mga tahanan!’ ”

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:18 ang mga mamamayan ko … ang kanilang luha: sa Hebreo, tayo hanggang sa dumaloy ang luha natin.
  2. 9:19 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.