Job 1:5-7
Ang Biblia (1978)
5 At nangyari, nang makaraan ang mga kaarawan ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at (A)naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagka't sinabi ni Job, Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at (B)itinakuwil ang Dios sa kanilang mga puso. Ganito ang ginawa ni Job na palagi.
6 (C)Isang araw nga nang ang mga (D)anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si (E)Satanas ay naparoon din naman na kasama nila.
7 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo'y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa (F)pagpaparoo't parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978