Add parallel Print Page Options

Isinara nʼyo ang isipan ng aking mga kaibigan para hindi sila makaunawa. Kaya huwag ninyong payagan na magtagumpay sila sa kanilang mga paratang sa akin. Katulad sila ng taong nandadaya sa kanyang mga kaibigan para magkapera, at ito ang magiging dahilan ng paghihirap[a] ng kanyang mga anak.

“Ginawa akong katawa-tawa ng Dios sa mga tao at dinuraan pa nila ang mukha ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:5 paghihirap: sa literal, pagkabulag.