Add parallel Print Page Options

10 Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw:
At ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
11 Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin,
At ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,
12 Ang kaniyang mga (A)hukbo ay dumarating na magkakasama,
At ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin,
At kinubkob ang palibot ng aking tolda.

Read full chapter