Add parallel Print Page Options

11 Kaya't hindi ko pipigilin ang aking bibig;
Ako'y magsasalita sa kadalamhatian ng aking diwa;
Ako'y dadaing (A)sa kahirapan ng aking kaluluwa.
12 Ako ba'y isang dagat, o isang malaking hayop dagat,
Na pinababantayan mo ako sa isang bantay?
13 (B)Pag aking sinasabi, Aaliwin ako ng aking higaan,
Papayapain ng aking unan ang aking karamdaman;

Read full chapter