Add parallel Print Page Options

11 At pinatutunog ng Panginoon ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo; sapagka't ang kaniyang kampamento ay totoong malaki; sapagka't malakas na nagsasagawa ng kaniyang salita; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay dakila at totoong kakilakilabot; at (A)sinong makatatahan?

Ang tawag sa pagaayuno at pananalangin.

12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, (B)magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na (C)may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:

13 At (D)papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; (E)sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.

Read full chapter