Juan 19:28-33
Ang Biblia (1978)
28 Pagkatapos nito, pagkaalam ni Jesus na ang lahat ng mga bagay ay naganap na nga, (A)upang matupad ang kasulatan, ay sinabi, Nauuhaw ako.
29 Mayroon doong isang sisidlang puno ng suka: kaya't (B)naglagay sila ng isang esponghang basa ng suka sa isang tukod na isopo, at kanilang inilagay sa kaniyang bibig.
30 Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, (C)Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.
31 Ang mga Judio nga, (D)sapagka't noo'y Paghahanda, (E)upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't (F)dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon.
32 Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya:
33 Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978